Pages

Tuesday, June 18, 2013

Biggest Loser: Election 2013 Edition

Di tulad sa show na The Biggest Loser, ang may pinakamaraming naibawas na timbang ang syang mananalo at tatanghaling 'Biggest Loser'.
The Biggest Loser. Photo from www.weightymatters.ca

Matapos ang May 2013 elections, inaabangan naman ang pagsumite ng mga ginastos sa kampanya ng mga kandidato. Inaasahan kong si Senator-elect Cynthia Villar ang magiging 'top spender' ngunit tila isang natalong kandidato pa ang nanguna sa listahan ng may pinakamaraming nagastos noong nakaraang eleksyon.

Ang sinasabing kandidato ay ang dating kongresista ng Cagayan na si Juan Ponce Enrile Jr. o mas kilalang Jack.
Former Cagayan Representative Juan Ponce 'Jack' Enrile Jr. during UNA
Proclamation rally held in Cebu City.
Photo from Jack Enrile Facebook account

Sa mga naglabasang balita tungkol sa mga Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga kandidato, lumabas na ang nagastos sa pangangampanya ni Enrile ay P150,401,072.09. Sumunod naman sa kanya ang mga nanalong senador na sina JV Ejercito, Cynthia Villar, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay.

Ang mga Team PNoy candidates na sina Bam Aquino, Grace Poe-Llamanzares, Sonny Angara, Chiz Escudero, Risa Hontiveros, Loren Legarda at Koko Pimentel ang kumumpleto sa Top 12 spenders noong nakaraang eleksyon. Si Risa Hontiveros ay hindi nanalo noong May 2013 elections.

I therefore conclude na isa sa mga kailangan upang maipanalo ang kandidato ay pera. Mapapansin din naman na hindi lamang pera ang kailangan kundi ang plataporma, mga programa at proyektong inihain at iba pang mga adhikain ang naging basehan ng pagkakapanalo.

Sa nagdaang mga eleksyon, ang mga 'top spenders' ay hindi nanalo kahit na sila ang may pinakamaraming ginastos noong halalan. Noong 2007, sinasabing ang dating Surigao del Sur representative Prospero 'Butch' Pichay ang may pinakamaraming nagastos. Sina outgoing Senator Manny Villar na tumakbong pangulo at DILG Secretary Mar Roxas na tumakbong bise-presidente naman ang may malalaking gastos noong 2010 Presidential elections.

Kung Biggest Loser rin lamang ang labanan, panalo sana sila Enrile, Pichay, Villar at Roxas sa kanilang mga tinahak na laban. Pero hindi eh. Ang pinaguusapan ay isang posisyon sa gobyerno. Talagang nagiging negatibo sa panigin ng mga botante ang pagwawaldas ng malaking halaga ng pera para sa pagtakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno. Siguro nga ay naiisip rin nilang malaki ang ginastos at baka sa kaban din ng bayan kunin ang pamalit.
A meme about 2010 Presidential and Vice Presidential Election candidates.
Men in orange and blue are Senator Manny Villar and Secretary Mar Roxas.
Photo from thinkingstupid.blogspot.com
Former Congressman Prospero Pichay.
Photo from chessheroes.blogspot.com

No comments:

Post a Comment